Huwebes, Enero 19, 2012

"Kahit Na" (Even If)

Hindi ko alam , bakit pinagpalit
Ako ba'y naging mahigpit at malupit?
Pagmamahal ko ba'y kulang o sobra lang?
Sabihin sa akin upang ika'y intindihin
Pagpapaliwanag mo'y aking tatanggapin
Mahal kita kahit anong sakit tong nadama
Mahal kita kahit anong sabihin ng iba
Mahal kita kahit ako'y nagmumukhang tanga
Mahal kita kahit sigaw ng isip ko'y 'wag na
Hindi ko alam paano sasanayin ang sarili nang wala ka
gayong sanay ang puso kong minamahal ka
lahat nlng ng bagay aking pinagkakaabalahan
matakasan lang ang aking kalungkutan
ngunit satuwing ako'y napapatigil
wala akong ibang naiisip kundi ikaw giliw

Walang komento: