Biyernes, Oktubre 26, 2012
Its nice to share your thoughts with a stranger :)
Akoy tahimik na nakaupo sa waiting area ng bus terminal nang may isang lalaki ang lumapit sa akin at umupo sa aking tabi . Mataas ang kanyang buhok, may bigote, may earings, naka shades,naka sando, naka cargo shorts, nka tsinelas at may dalang mga shades.
Kuya Shades : Maam shades , mura lang .
Ako : Sige lang kuya , wala akong pera.
Kuya Shades : Alam mo maam hindi ka maganda pero malakas ang iyong hatak . Ang iyong appeal .
Ako : Grabeng jamming kuya ha! Senxa na wala talaga akong pera.
Kuya Shades : Oh sige maam 100 nalang , sayang kasi pag nabili nang iba , sayo lang to babagay , hindi ka maganda pero bagay to sayo .
Ako : (Nakakaasar ka kua ha ..iniinis moko hahah ) Wala talaga akong pera kua at d ako mahilig mag shades.
Kuya Shades : 100 nalang maam.. pag sinoot mo to mas tataas appeal mo. Hindi ka maganda maam pero as in bagay to sayo .
Ako : ( Dahil sa nainis na ako sa paulit ulit nyang kakasabi ng hindi ako maganda wahahah binili ko na lng para umalis siya )
Kuya Shades : Salamat maam . Itry mo . Gaganda ka lalo. Tga san ka maam ?
Ako : Jan lang sa unahan. ( Amp ayaw pa umalis .. bka hold dapper to :( haha i judged him , bad ko )
Kuya Shades : Sinong inaantay mo dito maam ?
Ako : Bf .
Kuya Shades : Ahh usap muna tayo habang nag hihintay ka.
Ang rami nyang pinag sasabi hanggang sa bigla siyang nag open tungkol sa kanyang buhay. (Wooo close tau ? HAHA )
Kuya Shades : Alam mo maam hindi ako nakapagtapos ng pagaaral at pinagsisihan ko yun. alam mo bakit?
Ako : hm?
Kuya Shades : Kasi nalulong ako sa bisyo. Masamang bisyo. At nawala ang lahat sa akin.
Ako : (Patay , why am i talking to a stranger ) ahh okay lang yun kuya , nakaraan mo yun, ang mahalaga ay ngayon.
Kuya Shades : Tama ka. Kaya ikaw, tapusin mo pag aaral mo . Mahirap maging katulad ko .
Ako : Uu naman. ( kitang kita ko sa mata nya ang pagsisisi at lungkot ewan ko bat gnun naramdaman ko )
Kuya Shades : Alam mo ung provided ka lahat ? Yung allowance andyan , boarding house at sobrang pera . Pero dumating sa buhay mo yung nawalan ka ng gana, napagod ka. Gnun ang nangyari sakin bat ako nag ka bisyo .
Ako : Natural lang nmn ang mapagod at ang mawalan ng gana kua. Pero ang mag bisyo at di mo inisip ang magulang mo, desisyon mo yun. Siguro nagkamali ka dun .
Kuya Shades : Uu aminado ako dun . Nagakamali ako pero nag kamali rin sila . Hindi pera ang kailangan ng isang anak, pagpapatnubay. Ni hindi nga nila ako dinadalaw kahit once a month kasi malayo nga rin nmn ang cebu.
Ako : Ang layo nmn pala . Pero kahit gnun kuya minahal ka nila kasi magulang mo yan eh .
Kuya Shades: Sabagay pero tapos na un nagkapatawaran na kami . Maiba tayo , naniniwla kabang may Diyos?
Ako: ( Aguy, ayaw ko ng debate about faith .. ) Oo naman kuya .
Kuya Shades : Describe your God.
Ako: (Aba umiengglish c kuya haha) Our God is love. Him itself is love .
Kuya Shades : Masasabi mo bang mapagmahal siya kung halos lahat ng nangyayari sa paligid ay puro kasamaan . Tignan mo yan ( turo ung matanda na nag titinda ng mineral water at iba pa) bakit nya hinayaang mag hirap ? Bakit may patayan? May corruption ? at poverty ?
Ako : Sinisisi mo ba ang Diyos about dito kua ?
Kuya Shades : Oo. Kasi kung makapangyarihan at mapagmahal siya at kung totoong nag eexist siya hindi mangyayari to.
Ako : Eh naniniwla ka kay satanas kua ?
Kuya Shades : Oo.
Ako : Eh describe mo nga siya ?
Kuya Shades : Puno ng kasamaan .
Ako: Eh bat ang Diyos ang sinisisi mo ? Bat hindi si satanas ?
Kuya Shades : Sige nga bigyan mo ako ng dahilan bat nangyayari ang lahat ng ito ?
Ako : (Bat ako makikipag usap sayo eh hindi nmn bukas ang utak at puso mong maniwla na may Diyos, anyway try ko ) Tka kua ,matanong ko lang, balik muna tayo dun sa pag aaral mo dto sa davao, ginusto ba un ng magulang mo?
Kuya Shades : Hindi , ginusto ko yun .
Ako : Okay, alam mo bang may pinagkakaiba ang paghintulot sa pag gawa ? Pinahintulutan ka ng iyong ama na gawin ang gusto mo , pero hindi siya ang gumawa ng buhay mo , buhay na meron ka nung nalunong ka sa bisyo, hindi ang iyong ama ang siyang nagdroga kung bakit nalulong ka sa bisyo ka at nawala ang lahat sayo, pinahintulutan ka lang nyang gawin ang lahat ng bagay, u have the freedom . Kung tinatanong mo bakit may kasamaan ?Hindi yun gawain ng Diyos, tao ang mismong nag ddeesisyon sa buhay niya . Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan, gift yun kuya at nasa atin yun kung paano natin gagamitin yun. Mapagmahal ang Diyos kuya, at kung satingin mo natutuwa siya tuwing nag hihirap ka at ang iba , nag kakamali ka. Mas higit siyang nasasakatan dahil sa kung iyong titingnan , punong puno ng kasamaan ang mundong kanyang ginawa, kung tutuosin kaya nyang tapusin ang lahat ng ito pero hindi niya pa ginagawa, kasi binibigyan nya tayo ng panahon para mkapagisip at mag bago. Lahat ng kasamaan ay may katapusan ata tatapusin nya un. May takdang panahon dun at malapit na .
Kuya Shades: Bakit nya hinahayaan at bakit d nalang nya tapusin nang wla nang maghirap . Kung matalino at makapangyarihan siya ano ang dahilan nya bakit ganto !
Ako : Unang una mahal ka ng Diyos, mahal nya tayo. Ipagpalagay nating isang proffesor ang Diyos , at mga angel ang kanyang mga estudyante , hindi ba ang professor ang siyang nagtuturo sa kanyang mga estudyante ? Ipagpalagay nating my tinuro syang math problem , tinuro nya kung paano eto e solve. Tapos, my isang magaling na estudyante , sasabihin nya " Sir mas okay tong solution ko" . Kung ikaw ang proffesor, hahayaan mo ba siyang ipakita ang kanyang solution sa klase or patatahimikin mo siya? Syempre hahayaan mo siya. Kung papatahimikin mo siya ano nlng sasabihin ng ibang mga estudyante ? "ay mukhang tama c ano kesa kay sir. ayaw nya lng yata mapahiya". Hahayaan ng profesor na ehandle ng studyante ang problem at later on malalaman ng kaklase nya na mas tama parin ang guro. Ganun rin un kuya , hinayaan ng Diyos si satanas na ehandle ang mundo para malaman ng lahat na mali si satanas sa kanyang pamamalakad. Nakikita mo nmn siguro ang mundo ngaun kuya ? Puno ng karahasan at kasamaan. Kasi si satanas pa ang namamahala ng mundo. Darating ang panahon , tatapusin ng Diyos ang lahat ng ito.
Ayun bsta ang rami naming napagusapan sarap nya kausap :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento